Biyernes, Setyembre 7, 2018
Ating wika ang ating ilaw sa bansa dahil ito ang ginagamit natin para sa pakikipagkomunikasyon sa bawat isa sa mga taong pilipino. Ito rin ang ating ginagamit para makaligtas sa mga taong mapanghusga at ito rin ang ginagamit natin upang makaligtas sa lipunang mapang-api. Wikang Filipino ang ating kinagisnang wika at ito rin ang ating ginamit para makalakad sa madilim na kapaligiran. Gayon paman ito ang ating ginagamit na sandata upang maipagtanggol ang ating sarili, ito rin ang ipinaglaban ng ating mga bayani sa panahon ng pananakop ng ibang bansa sa ating lipunan. At hanggang sa ngayon marami paring Pilipino ang ipinaglalaban ang saliring atin dahil sa mga ipinakita ng ating mga bayani noon. Sa kabilang palad, may ibang mga Plipino na pilit pinapatay ang ang sariling wika dahilan na mas mainam raw gamitin ang ibang lingguwahe tulad nalang ng ingles para mayroon tayong panlaban sa ibang bansa. Ngunit maraming Pilipino ang hindi sumang-ayon. Kung mawawala ang wikang Filipino para narin nating isinuko ang ating kinabukasan at kalayaan sa ibang bansa. Kaya para sa mga Pilipinong nananatiling makabayan, patuloy nating mahalin at tangkilin ang sariling ating gaya nang pagmamahal nang ating mga bayani sa ating bansa lalo na sa ating wika.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Malaya po kayong magkomento ng inyong mga opinyon dito sa post na ito. maraming salamat po.
TumugonBurahin